Posts

You’re losing me ..

February 25, 2023. Someone chat me on Teams .. “San kana? Kapeng-kape na ako.” It was 10'o clock already in the morning. I was on my way to the office. At the back of my head. I didn’t know. Someone is waiting for me. Because it was always me. The one who waits .. patiently. Calmly and understandingly. We did get our coffee. DUNKN. Spanish Latte. It was always the same order. No need to mention. He knows my coffee order. And we started yapping about work and family stuffs. Again, at the back of my head. Alam niya kaya na mahilig ako sa kape? Kasi ilang taon narin kami pero never pa ako dinala sa coffee shop or nilibre ng kape kahit nagpaparinig na ako. :( I had to erase that thought in my head right away. Comparing two different men. One I’m in a relationship with and one I only knew a year ago. Nawala ako that day. Holiday kasi, bakit may pasok ako? I left my phone in the office. I walked to the mall. Impulsively, I got my piercings. Helix and Upper lobe. When I came back, he aske...

Mas payapa pala sa espasyo na wala ka

We have times when we think we can't move on, but we can. And it's worth it. Mas gumaan nung pinili kitang hayaan. Kaya pala dati pakiramdam ko ang bigat-bigat, dahil ako nalang ang nagbubuhat. Ako nalang ang naghihintay, pero wala na palang hinihintay. Nakakahinga na ako ng maluwag. Wala na yung bigat ng dibdib gabi-gabi. Yung bigat na kailangang iiyak hanggang makatulog sa pagod ng pag iisip. Yung bigat ng damdamin sa pag aalala at kakaisip kung naaalala ka ba nya. Nakakahinga na ako ng hindi inaalala, Kung gaano lang ba ako kahalaga para bigyan ng oras na tira-tira. Okay na pala ako. Ang saya sa puso. Grabe pala. Ganun kahaba pasensya ko. Ganun kahaba na kaya kong maghintay ng ganun katagal . Ganun kahaba na sinamahan ko ng pagtitiwala, purong pagmamahal at intensyon. Ngayong tuluyan na akong malaya, dun ko napagtanto kung anong klaseng pagmamahal ang kaya kong ibigay.  Swerte naman ng susunod kong mamahalin. Kung nasaan kaman, or kung nakilala na kita. Stay put ka muna. Ant...

Breaking Down

 Playing: You're Losing Me by Taylor Swift Found myself crying in the middle of the night.. again. For days or month, I've been saying I am okay. Pero darating pala talaga yung tinatawag na relapse . Everyday ko parin chinecheck kung nagmessage ka pero wala. I guess sa everyday nayun umaasa parin ako sa explanation..kung bakit, paano o sino. Pero mas okay narin siguro yun para di na ako masaktan pa lalo. Baka dumating nnaman ako sa puntong sisisihin ko sarili ko kahit hindi naman ako yung nagcheat.Ayoko nadin kwestiyunin pa yung worth ko as a woman dahil alam kong naging matino akong babae .. at hanggang ngayon alam kong sakanya ko lang ibinigay ang lahat dahil mahal ko siya. Entering my 2nd month of healing .. Relapses are real. Nanghihinayang parin pero nagpapasalamat narin kasi nailayo ako sa manloloko. Pero mahal ko nadin kasi pamilya niya. Heto nnaman ako sa awkward stage nayun. Kagaya ng pagmamahal sakin ng pamilya ni Sungit, ni Sam, ngayon hirap nnaman ako magsabi sakani...

Officially Ended

 April 12, 2023 It all officially ended. The relationship I fought so hard to stay for the last 5 years and 6 months. But it ended so smoothly in my end. It was freeing. Finally, I am a single lady again. Still hopeful for the right kind of love. Nevertheless, I felt like I've been prepared for this to happen. Parang "Sa wakas!' nalang ang inaabangan ko. Malaya na ulit ako. April 8, 2023. I prayed to God to help me decide whether this person still deserves to be in my life and if it is still the same person I want to be with in the long run. Ang bilis ng sagot ng Ama! 😇 Hindi lang niya sinagot ang panalagin ko, pinanatag niya rin ang puso ko. Alam ko sa sarili ko, wala na yung dating sugat na dala pa ni Sungit. Wala na yung trauma na baka wala na magmamahal pang muli sakin ng totoo. Alam ko sa sarili ko na yung susunod na darating, siya na talaga. ❤️ Patuloy akong magpapanata para pagdumating siya, iiyak nalang ako sa tuwa dahil hindi ako sumuko at nagtiwala ako sa Ama. I...

WAG NA

 Ayoko na. Ayoko na mag overthink. Ayoko na umiyak gabi-gabi. Ayoko na makitang naaawa sa sarili dahil sa pagsesettle for less. Ayoko na muling mapunta sa sitwasyon na hindi alam ang sagot sa tanong na "kamusta kayo?" Ayoko na. Nagsawa na ako. Ayoko na sa relasyong kahit bare minimum hindi maibigay. Ayoko na magpanggap na okay ang lahat kahit ang totoo ay pinapabayaan na ako. Ayoko na. Tama na ang pagpapakatanga. Ayoko na muling hilingin ka pa sa Ama dahil ang totoong pagmamahal hindi nakakalimot, hindi tumatalikod, tapat at mapag aruga. Mahinahon, hindi masakit sa ulo. Pagod na ako. Pagod na akong magtiis at maghintay na balang araw aayon din saatin ang panahon. Pasensya na kung napagod ako. Pero mas alam ko na kasi ang worth ko ngayon. I deserve someone who is consistent kahit nakuha niya na ako. I deserve someone who will give me assurance everytime na mg ooverthink ako hindi yung sasabihin lang sakin na "bahala kana. Hindi ako maghahabol." I deserve someone who ...

The Wrong Decisions I made

 I never told anyone about this ... But I wasn't regularized at my first job because I choose to go to my boyfriend's recognition rights without the approval of my supervisor and manager. Now that I was thinking about it,ang boba ko pala! To be so inlove and sacrifice my career for someone na hindi naman ako pinapahalagahan. Not that I am expecting, but now that it has been 7 months since we last talked, andami kong narealize. Masyado kong ginawang mundo ang dapat ay tao lang. Nung una hindi ko naman talaga mahal e. Siya lang yung nagpursue kaya pinanindigan ko nadin. Pero ibang level pala ako magmahal. Handang ibigay lahat kahit kinabukasan ko na. Masaya na ako ngayon. In just 7 months nahanap ko yung taong gusto kong maging ako. Sabi nga ng kapatid ko, "You are doing so well right now." Yes, may sense of fulfillment na ako ngayon. Mas nagglow and naggrow as a person. Mas kaya ko na eexpress yung sarili ko. Hindi na ako takot maging ako kasi may mga totoong nagmamaha...

I KNOW WHAT I AM HEALED

 That hit me. I never heal. I know I am still hurting. I know the trauma is still there. I know I'm still afraid. I know I am scared na baka nga totoo.  I just buried it at the back of my mind. Takot ako na baka wala ng magmamahal sakin gaya ng pagmamahal na binigay niya. Takot ako na baka eto nalang talaga ako, looking for the kind of love na hindi ako magsesettle for less, na secured ako at may assurance. Kasi ang hirap magbigay ng buong pagtitiwala. Ang hirap magbigay ng buong pagmamahal. Ang hirap ng laging nag ooverthink. Alam ko pinaparusahan ko sarili ko. Alam ko di ko pa napapatawad sarili ko. Wala akong regret sa desisyon ko pero alam ko di ko magawang maging masaya kasi wala namang nagbibigay ng assurance sakin na deserve ko mahalin ng buo. Ang dami kong insecurities. Ang dami dami kong tanong sa utak ko na di ko mailabas. Ni magtanong nanginginig pa ako. Kasi paano kung ako lang yung handa? Paano kung makaoffend ako or makaturn off? I had to file a leave today. Kasi...

Depresyon

 For the past 2 days, hindi ko nanaman makontrol ang emosyon ko. Hindi na naman ako okay. Masyado nanaman akong nag iisip, natatakot. Hindi ko alam bakit dumarating ako sa point na tumutulo nalang yung mga luha ko na parang gripo ng wala namang dahilan. Andami ko nanaman kasing time mag isip. Hindi nnaman ako busy sa work. Hays. Akala ko masaya na ulit ako. Malaya, may pera, mas naaalagaan ko na ang sarili ko pero okay ako on the outside, kabaliktaran naman pag usapang mentalidad na. Hindi ko parin magawang magpatawad. Hindi ko parin magawang magmove on. Winasak nila ang pagkatao ko, ang kumpiyansa sa sarili na ilang taon kong binuo. Walang pumupuwang para manatili akong positibo. Mag isa kong dinadala ang lahat dahil ayokong maging pabigat sa kaninuman. Hindi ko alam kung sumpa ba to o totoong may sakit na ako. Habang sinusulat ko to, umiiyak nnaman ako. Ang bigat bigat nnaman ng dibdib ko. Pagod na ako pero alam ko matatapos lang to kapag nakatulog na ako ng diretso. Normal pa ba...

Hanggang kelan

Lately naiisip kong itigil nalang lahat at magsimula ng panibagong yugto ng buhay. Nagawa ko naman na magsimula ulit e. Nagawa ko ng paunti unti. Siguro tama na yung "Hihintayin ko nalang na mapagod na ako tapos kusa nalang sia bumitaw." Pero alam ko kasi na hindi ako mapapagod. Kagaya ng hindi naman ako napagod mahalin si Rhenzo noon e, nasanay nalang ako na wala na siya hanggang totoong wala ng natirang pagmamahal ako para sakanya. Hindi ko kasi alam e. Wala akong ideya. Walang plano. Walang pinatutunguhan ang lahat. Lagi nalang akong naiinggit, naiinsecure, naaawa sa sarili kasi maraming bagay ang hindi ko maramdaman, ang hindi namin magawa ng magkasama. Lagi nalang akong nagkukunwaring "Okay naman ako. Masaya naman kami. Sanay na ako." pero ang totoo ..hinding hindi ata ako masasanay. Hindi ako sanay ng wala sia. Hindi ako sanay ng hindi sia ng uupdate. Hindi ako sanay na wala siyang paramdam. Hindi ako sanay pero kinakaya ko kasi nga wala naman ako choice diba?...

PANGARAP

Image
 Nasa punto ako ngayon ng buhay ko na hindi ko na alam ang gagawin.. I am lost again in my train of thoughts. I am actually reading .. pero lumilipad ang utak ko. Siguro kasi naHIT nnaman yung soft spot ko.. yung pamilya ko. Nasaktan nnaman ako ng sarili kong pamilya. 💔 Hindi ko rin alam e kung bakit sa dinami dami ng pananakit nila hindi parin ako namamanhid. Ilang araw ko nnaman kaya to didibdibin? Hanggang kelan ko kelangan patunayan ang sarili ko? Hanggang kelan nila ako ippressure na ibigay ang mga bagay na hindi ko kaya ibigay? Pagod na ako. Kinakaya ko lang. Kasi sa isip ko "Malapit naman na matapos. Konti nalang. Konti nalang .. ako naman." Pero hindi e. Parang di nauubos. Parang laging may kulang. Parang gusto ko nalang maglaho. Sobrang pressured ko. Di ko alam kung bakit di nila nakikita yun. Napapagod din naman ako. Pero wala akong choice e. May pangarap ako para sa sarili ko. Pangarap ko ring maibangon ang sarili ko. Gusto ko rin makatravel. Gusto ko rin magkaroo...

I WANT TO KNOW ..

Image
  This day has been so tiring. I am hating the fact that I can't really go on the day as planned. The things I can't control annoyed me that I just want to throw myself in the river. As much as I wanted to move on with my life with a brand new hope that I could finish what needs to be done right away, I am feeling stuck with the thoughts in my head. "Be contented and be grateful." That was the line that keeps on playing in my head last night. They say in order to be happy you have to be contented. You have to be grateful. Maybe this is the thing that is lacking for the past months. Ever since I started working again, I feel pressured to make "bawi" with the year that has been lost trying to figure out what I really want to do with my life. I want to put everything in place. I want to have control over my life again. I want a lot of things that sometimes I feel like I am not living the present. I am pressured to live a life in the future. I tried to be pres...

THE LIFE I CREATED FOR MYSELF

Image
  The lifestyle I created for myself is too expensive that I am always on the go to get it! ✨ • Crystal Bracelets • Gold Necklace • Books • Bedsheets and Curtains • Minimalist and Versatile Capsule Wardrobe • Ballpens and Notebooks/Journals I know these are all material things but believe me, I feel great knowing I get to inhale good energy, read a good book, look good for myself, felt having a clean and organized room/workstation and was able to write down my thoughts. It is not the material things for me, it is the purpose of this things. I no longer feel guilty about it because  1. I am and still building my Emergency Fund while I enjoy my hard earned money.  - Thank you to the JAR SYSTEM introduced to me by the NFG Community. 🥰 2. I am insured.  - Thank you to my great FA. 3. I am making my money work for me. - Passive income through multiple investment. 4. I have multiple stream of incomes. - Secret! Mas rarami to this year. Ramdam ko na ngarag days pero lavern...

NAMISS KO LANG MAGSULAT ..

Image
  This year is nearly ending .. and I had to admit,this one broke me. Nakakamiss din pala magsulat ulit. Haha. It has been months of me being lost, bewildered, spiritually and emotionally unstable. I am not able to be active as months before. I wasn't selling, I wasn't exercising, I wasn't journaling, I wasn't reading, I wasn't biking, I wasn't writing. I am now aware of the things I used to do but not anymore. That is something I should be grateful. I was indenial for months. I am trying to forget and to cope up. I needed to survive. I promised I wasn't the same person I used to be a year ago. I wouldn't commit to making a mistake again of stopping my life, of trying to escape the reality. Oo, masakit. Oo, naapektuhan parin ako paminsan minsan pero madalas alam kong kaya ko na. Only few knows because I don't want people who look up to me feel sad or be down too. Ate nila ako. Kelangan kong maging malakas, matibay at role model sa kanila pero tao p...

ANXIETY

Image
Inaatake nnaman ako ng Anxiety ko. Pagod na pagod na ako umiyak at matulog. Okay naman ako kanina pero ngayon kung anu-ano nnaman iniisip ko. Minsan di ko narin alam bakit ang bigat bigat ng dibdib ko. Bakit lagi nalang ako ganto? Gusto ko ng makakausap pero hindi ko alam kung sino. Lagi naman akong walang kausap. Haha. Ang pathetic ng buhay ko. Laging nasa isip ko baka wala naman makakaintindi sakin. Baka makaistorbo lang ako. Baka isipin nila nag iinarte lang ako. Baka sabihin nila Oa lang ako. Kasi bakit nga ba? Bakit ako ganto? Okay naman lahat diba? Pero bakit naiiyak ako? Bakit nasasaktan ako? Bakit natatakot ako? Bakit ang lungkot lungkot ko?  Hindi ko po ba tlga deserve sumaya? Ilang taon naman na Lord. Baka naman pwd niyo na ako pahilumin. Alam ko nasakin din ang problema. Hindi ko mapatawad sarili ko. Nagpapanggap akong okay na ako pero hanggang ngayon takot parin ako. Takot ako kahit sa maliliit na bagay lang na magpapapaalala sakin ng sumpa.  6 na taon ko ng pinapa...

REALTALK

 I don't know what's worse, me pretending that I had moved on from the trauma or me realizing I am punishing myself. 🥺🥺 Whenever I saw a vid of a couple I wish we could be, I couldn't held but shred some tears because realistically that wouldn't happen. For 4 years, I already know what I allow him to do with us,with our relationship. Siguro tinanggap ko nalang na "Ito nalang tlga siguro ang deserved ko." And then I would go back to his phrases, "You will never find someone who could love you and treat you the way I used to." Ninong passed away yesterday morning. The only  reason I got not to hate the place completely. The place where all the memories,good and bad, actually happened. Gusto kong paniwalain ang sarili ko na okay na ako. For the past 6 years, ang OA ko na kung hindi padin mawala ang sakit. It is not the hurt that haunting me,it is the consequences of my actions. I let go kasi naduwag ako. I let go kasi feeling ko nabetray ako. I let go...

Triggers

 I don't know how a short video of a friend can trigger this emotion inside of me ... envy. I am happy for her,really, but I'm wishing I could experience the same. I'm wishing I'm in a normal relationship too right now and I hate it. I hate it because I am feeling guilty of what I am feeling right now.🥺 Is it really too much to ask for more,to demand for more than I could deserve? Because I am trying .. I really am trying to understand the situation but I am having doubts already. The consistency is gone. It was like I am in a relationship but it felt lonely I am better off alone and single. Hays. I thought this feelings were gone already. I was wrong. I just kept on justifying his actions. Maybe I should think harder this time. I am having doubts. I am having second thoughts. I am starting to feel something I shouldn't have .. regrets. It felt like I am wasting my time spending it to someone who doesn't value me as much as I value him. It felt like I am loving...

The Sign

For years, I have pushed the idea at the back of my mind simply because I am ALWAYS considering someone in making my life decisions.But what if all this time, I do not matter in his life? What if ako lang yung laging willing to adjust and magtiis sa sitwasyon? WHY AM I DISAPPOINTED? Dumating nnaman ba ako sa puntong ginawa kong mundo yung dapat ay tao lang? Pero hindi e. Feeling ko naman nadala na ako.Feeling ko naman may buhay ako outside the relationship. I am just this disappointed kasi hindi ako pinigilan. Hindi ko alam kung pareho lang ba kaming takot kasi iniiwasan namin yung topic ng 'kasal'. We always thought about having kids but not marriage. Pero okay nadin siguro yun. Para di ako mg expect at umasa diba? With all the pressures that is around right now, my mother wanting to have grandkids and my neighbourhood and acquaintances asking if when will I get married? Atleast I get to know tonight that THERE IS NO PLAN. Can I move on now? Haha. Siguro yun yung best to do. N...

Childhood Bestfriend

NP: LAGI by Skusta Clee Nakakasenti naman tong kanta. Haha. Dear Sungit, Wala e. Namimiss ko lang yung times na ganto na napapasenti ako tapos dadalhin mo ako sa may dagat or sa usual fave spot natin. Kwentuhan lang hanggang umaga about sa mga plano in the future. Sobrang inosente pa natin nun. Ang simple lang ng mga pangarap natin, ako maging lawyer ikaw maging chef at resort owner pero ngayon ang komplikado na ng mundo natin. Ibang iba sa mga napag usapan natin dati. Ngayon lang ako ngwonder, 9yrs old palang tayo ng uusap na tayo tapos ilang taon din tayo magkasama pero di tayo nawalan ng topic? Hahahaha. Sabi nila ang tahimik ko raw? Lol. For sure ngroroll na mata mo pagnarinig mo yun. Wala na ako makausap ngayon. Ang busy nila e. Ikaw kahit busy ka nagsasabi ka agad paghindi na,pag pwede na kta kulitin. Minsan nga kahit busy ka andun padin ako diba? Pinapanuod lang kta hindi ako ngsasalita? Kahit ang dami dami mo kinakausap, nakikita lang kita pero ang payapa ng puso ko. Pero ngayo...

Break Up

Image
 Naiinis ako. Bakit may mga lalaking ganto? Mga feeling pavictim. Yung ibabalik sa babae ang sisi once na makipaghiwalay na. Bakit? Feeling nyo ba andali dali lang para sa mga babae ang bumitaw? NO. Ilang gabing umiiyak yan, nag ooverthink kung itutuloy paba or bibitaw na, ilang chances muna binigay nyan sayo para bumawi ka, patunayan sarili mo na mali iniisip nya bago sia tuluyang bumitaw. Napagod na yan. Pinagod mo kaya wala na siyang ibang choice kundi iwan ka.  Mahaba habang katangahan pa muna bago tuluyang bumitaw. Umaasang magbabago kapa. Napakatoxic na tao! Makasarili. Inuuto mo nalang ang babae kapag ibalik mo pa sakanya ang sisi sa mga pagkukulang mo sakanya. I always believe in "Do your best effort during the relationship because once it ended, you can never turn back time." That's the thing I mostly regret before kasi natakot ako e. Natakot akong ipakitang mahal na mahal ko yung tao kaya nung nawala andami kong regrets. Sana pala pumayag na ako sa mga bagay na ...

The Taken For Granted Girlfriend

 As I was reading latest post of Donnalyn B., at the last part sinabi niya dun na siya raw yung type of girl na always taken for granted. I AM THAT WOMAN TOO. Naalala ko pa nung unang beses na sinabi sakin yan ng fetus days bff kong si Sarah. She asked me before who am I seeing(dating) and when I said "Si ano padin!". Wow gurl always taken for granted?! Yan lng nasabi niya. Hahahaha. Maybe she was right all along kasi totoo naman. In every man na dumating sa buhay ko ako lagi yung trophy type.. proud ipakilala sa mga kaibigan, kamag anak at kapamilya.Yung di ko pa nga sinasagot may mga pagifts na from parents and all. Ako rin yung tipong pang long term gf ganern. Haha. Meron nga jan kakasagot ko palang kasal na agad topic namin e. I was engaged twice. Yung isa kay Hubby. Kaso hubby na siya ng iba ngayon. Pero kebs lng alam ko naman mahal na mahal ako nun. Pero NO na tlga. Masamang mainlove sa guy bestfriend. Nawalan ako ng confidant .. ng taong kahit di ako magsalita kilalang...