Posts

Showing posts from October, 2015

When I Lost myself

Ilang buwan na mula ng huli akong nagsulat. Sobrang dami na ng nangyari pero pakiramdam ko pare-pareho lang naman. Walang special. Napakaordinary. Usual days kumbaga. Yung gigising ako ng mag-aalas dos ng umaga tapos tatanungin ko ang sarili ko, "tatawag kaya siya?" tapos marerealize ko, WALA NA NGA PALA SIYA. Aww. Nakakabaliw. SOBRA! Kasi gustuhin ko man paniwalain ang sarili ko na tapos na, ang plastik ko kung sasabihin kong hindi na ako umaasa. Andami na ding nagbago sakin. Una, mahaba na ang buhok ko. Dati-rati naman pagkaalumaabot na sa dibdib ko ay pinapaputol ko na agad. Hindi ako komportable sa mahabang buhok. Mainit. At alam mo yun. Ewan ko ba! Reklamo ako ng reklamo na mainit at mahirap imaintain pero di ko parin magawang ipaputol. Patunay na ang haba na din ng panahon ang ginugugol ko sa pag-iyak gabi-gabi at sa paghihintay ng tamang panahon para tuluyan na talagang maghilom yung sugat sa puso ko. Ikalawa, nawala na din yung gana kong mangarap. Dati-rati naman