Officially Ended

 April 12, 2023

It all officially ended.

The relationship I fought so hard to stay for the last 5 years and 6 months.


But it ended so smoothly in my end.

It was freeing.


Finally, I am a single lady again.

Still hopeful for the right kind of love.


Nevertheless, I felt like I've been prepared for this to happen.

Parang "Sa wakas!' nalang ang inaabangan ko.


Malaya na ulit ako.


April 8, 2023. I prayed to God to help me decide whether this person still deserves to be in my life and if it is still the same person I want to be with in the long run. Ang bilis ng sagot ng Ama! 😇


Hindi lang niya sinagot ang panalagin ko, pinanatag niya rin ang puso ko.


Alam ko sa sarili ko, wala na yung dating sugat na dala pa ni Sungit. Wala na yung trauma na baka wala na magmamahal pang muli sakin ng totoo. Alam ko sa sarili ko na yung susunod na darating, siya na talaga. ❤️


Patuloy akong magpapanata para pagdumating siya, iiyak nalang ako sa tuwa dahil hindi ako sumuko at nagtiwala ako sa Ama.


Inilayo ako ng Ama sa taong hindi kailanman magbabago. Inilayo ako sa Ama sa taong ni bare minimum hindi maibigay dahil alam niyang mas may deserve ako. MagpapakaGold Standard na ako. Tama na raw pagsesettle for less! Deserve ko ng taong consistent, handang kilalanin ako ng totoo, handang pakinggan ako tuwing may problema ako, laging andyan pagkailangan ko, naiintindihan yung mga hilig ko at higit sa lahat kasama ako lagi sa mga plano dahil nakikita niya yung future na kasama ako.


Ang sarap isipin nu?

Kasi for the longest time nagsettle for less ako.


Now that I am free, may tiwala naman ako sa Ama na darating siya ng kusa kaya ienjoyin ko ang buhay ko. Isspoil ko magulang at kapatid ko, magttravel ako, magiging masaya ako kasama mga kaibigan ko, mas papalaguin pa ang karera at mas mangangarap pa ng matataas.


Naniniwala akong nakilala ko na yung taong para saakin. Nag aantay lang ng tamang panahon. Handa naman ako mag antay. 


Di bale ng matagal basta sigurado.

Hindi yung sa umpisa lang magaling.


Ama, sobrang salamat po sa pagheal ng puso ko.

Salamat po sa mga biyaya na patuloy na dumarating sakin at sa pamilya ko.


Salamat po kasi inilalayo mo po ako lagi sa mga taong makakasakit at makapaghihiwalay sakin sa Iglesia.


Nakahanda po akong tanggapin pa ang mga biyayang darating. Pakiingatan nyo po lagi ang puso ko. Patuloy na maging matatag at mapagmahal, mapagkumbaba at matiisin. Sayo ko na po ipinagkakatiwala ang lahat.

Comments

Popular posts from this blog

My Minimalist Wallet and Coin Purse

An episode

A Broken Piece