Posts

Showing posts from April, 2021

DEPRESSION

 Ang hirap hirap nung hindi ako pwede mawalan ng ginagawa kasi magsisimula nnaman ako mag overthink. Ang lungkot lungkot. Hindi ko alam paano tutulungan sarili ko.Hindi ko alam paano ibangon sarili ko sa pagkalugmok. Tinatry ko naman e. Tinatry ko naman maging okay. Gusto kong maging okay pero ang hirap. Takot ako lagi sa gabi kasi ang daming pumapasok sa isip ko. Nakikita ko nlng sarili ko na umiiyak hanggang makatulog. Sobrang hina ko. Pati katawang lupa ko nadadamay na. Lagi nalang akong may sakit. Masakit ang ulo, nilalagnat,masakit ang buong katawan. Okay lng na hindi kumain mghapon.Ayaw ko ng ingay. Ayoko ng pinupuntahan ako sa kwarto. Ayoko ng kinakausap ako. Hindi ko alam kung paanong umabot ako sa puntong to ng buhay ko na lahat gusto kong ishutdown ..kasali na ang paghinga ko. Ang hirap hirap multuhin ng mga pangyayari sa utak ko na gustong gusto ko na ibaon sa limot,mga pakiramdam na utak ko din lang mismo ang nagttrigger. Parang ang labo labo ng lahat sakin ngayon. Ang dami