Posts

Showing posts from September, 2023

Mas payapa pala sa espasyo na wala ka

We have times when we think we can't move on, but we can. And it's worth it. Mas gumaan nung pinili kitang hayaan. Kaya pala dati pakiramdam ko ang bigat-bigat, dahil ako nalang ang nagbubuhat. Ako nalang ang naghihintay, pero wala na palang hinihintay. Nakakahinga na ako ng maluwag. Wala na yung bigat ng dibdib gabi-gabi. Yung bigat na kailangang iiyak hanggang makatulog sa pagod ng pag iisip. Yung bigat ng damdamin sa pag aalala at kakaisip kung naaalala ka ba nya. Nakakahinga na ako ng hindi inaalala, Kung gaano lang ba ako kahalaga para bigyan ng oras na tira-tira. Okay na pala ako. Ang saya sa puso. Grabe pala. Ganun kahaba pasensya ko. Ganun kahaba na kaya kong maghintay ng ganun katagal . Ganun kahaba na sinamahan ko ng pagtitiwala, purong pagmamahal at intensyon. Ngayong tuluyan na akong malaya, dun ko napagtanto kung anong klaseng pagmamahal ang kaya kong ibigay.  Swerte naman ng susunod kong mamahalin. Kung nasaan kaman, or kung nakilala na kita. Stay put ka muna. Ant