Posts

Showing posts from September, 2017

Nakakapagod Na

Minsan yung taong akala mo masaya at buo ay siya palang malungkot at wasak ang pagkatao. Malakas ako. Yan ang paniniwala ko. Kailangan e. Mag-isa lang ako. Kailangan kong maging matapang para sa sarili ko. Kailangan kong maging malakas para hindi ako tuluyang bumagsak. Kailangan kong matutong bumangon ng mag-isa upang hindi apak-apakan at pagtawanan ng iba. Matapang ako, Oo. Pero may hangganan din ang kakayahan ko. May hangganan din ang pasensya ko. May emosyon din ako. Tao din ako. Alam ko, alam ko hindi ako perpekto. Kailanman ay hindi magiging at ayoko dahil pakiramdam ko hindi ako yun. Masaya naman ako e. Masaya ako sa tuwing nakakatulong ako. Masaya ako kapag nakakapagbigay saya din ako. Masaya ako na nakikita kong masaya ang ibang tao. Masaya ako kapag natatamo nila ang kanilang gusto. Pero minsan naiisip ko, masaya rin ba sila para sa akin? Masaya rin ba sila pagmasaya ako? Masaya rin ba sila pagnagtatagumpay ako? O binubuhay ko lang ang mga damdamin nila upang hangarin na sira