Posts

Showing posts from April, 2022

Hanggang kelan

Lately naiisip kong itigil nalang lahat at magsimula ng panibagong yugto ng buhay. Nagawa ko naman na magsimula ulit e. Nagawa ko ng paunti unti. Siguro tama na yung "Hihintayin ko nalang na mapagod na ako tapos kusa nalang sia bumitaw." Pero alam ko kasi na hindi ako mapapagod. Kagaya ng hindi naman ako napagod mahalin si Rhenzo noon e, nasanay nalang ako na wala na siya hanggang totoong wala ng natirang pagmamahal ako para sakanya. Hindi ko kasi alam e. Wala akong ideya. Walang plano. Walang pinatutunguhan ang lahat. Lagi nalang akong naiinggit, naiinsecure, naaawa sa sarili kasi maraming bagay ang hindi ko maramdaman, ang hindi namin magawa ng magkasama. Lagi nalang akong nagkukunwaring "Okay naman ako. Masaya naman kami. Sanay na ako." pero ang totoo ..hinding hindi ata ako masasanay. Hindi ako sanay ng wala sia. Hindi ako sanay ng hindi sia ng uupdate. Hindi ako sanay na wala siyang paramdam. Hindi ako sanay pero kinakaya ko kasi nga wala naman ako choice diba?