Childhood Bestfriend

NP: LAGI by Skusta Clee

Nakakasenti naman tong kanta. Haha.


Dear Sungit,

Wala e. Namimiss ko lang yung times na ganto na napapasenti ako tapos dadalhin mo ako sa may dagat or sa usual fave spot natin. Kwentuhan lang hanggang umaga about sa mga plano in the future. Sobrang inosente pa natin nun. Ang simple lang ng mga pangarap natin, ako maging lawyer ikaw maging chef at resort owner pero ngayon ang komplikado na ng mundo natin. Ibang iba sa mga napag usapan natin dati.


Ngayon lang ako ngwonder, 9yrs old palang tayo ng uusap na tayo tapos ilang taon din tayo magkasama pero di tayo nawalan ng topic? Hahahaha. Sabi nila ang tahimik ko raw? Lol. For sure ngroroll na mata mo pagnarinig mo yun.


Wala na ako makausap ngayon. Ang busy nila e. Ikaw kahit busy ka nagsasabi ka agad paghindi na,pag pwede na kta kulitin. Minsan nga kahit busy ka andun padin ako diba? Pinapanuod lang kta hindi ako ngsasalita? Kahit ang dami dami mo kinakausap, nakikita lang kita pero ang payapa ng puso ko. Pero ngayon, lagi nalang akong may takot. Lagi nalang akong nagdadalawang isip. Lagi nalang akong tahimik. Pinipilit ko naman magpakatotoo pero natatakot ako na baka hindi nila ako matanggap. Baka pag nalaman nilang baliw naman talaga ako layuan na nila ako.


Gustong gusto na ulit kita makausap pero alam kong hindi na pwede kasi respeto nadin sa partners natin. Alam ko naman na hanggang ngayon issue parin ako sa fiance mo. Kamusta na ba si Bby Jiro? Miss na miss ko na yung batang yun. Ang laki laki niya na e.


Naalala ko pa nun 16 lang ako ng inalok mo sakin yung responsibilidad na maging Nanay nia. Kung ngayon mo kaya ako inalok nun umuO na kaya ako? Haha. Baka! Kasi gusto ko narin ng Jiro. Gusto ko narin ng Aya. O baka nalulungkot lang ako kasi lagi na ako mag isa? Dati kasi andyan ka. Kahit hanggang 4am pa tayo magkausap game na game ka. Alam mo ba, si Samuel? May baby narin ngayon. O dba sabi ko sayo hindi kami meant to be. Ang torpe kasi nun. Masyadong gwapo. Baka masabunutan lang ako ng fangirls,parang ikaw! Haha. Hanggang ngayon madami padin fanpage mo e. Bakit ganun? Bakit hindi ata ako nabigyan man lang ng pagkakataon na magkaroon ng normal lovelife? Lahat nalang madaming bawal. Ni wala man lang sainyo nagawang iflex ako ng walang magagalit? Haha. Pangit ba ako? Hindi ba ako nakakaproud maging girlfriend? Pero sayo naman naramdaman kong proud ka sakin kasi buong barkada,barkada ko rin. Mahal na mahal ako ng mga ugok na yun kahit di nila sabihin alam kong miss narin nila ang kakulitan,kabaliwan at kaingayan ko. Hays. Sayang nu? Andami pa sana nating nagawa pero naging Tatay ka agad! Haha. Hay naku naman kasi.

Pero proud parin ako sayo. Ilang taon ka ng Single Dad! Hahaha.Kainis! Nagpaubaya na nga ako,iniwan karin niya!


Basta my Paolita heart is sailing. If hindi naman talaga ako yung tipong pangkasalan magiging mabuting Tita Mommy nalang ako kay Jiro at sa magiging anak nyo pa ni Anika. Masaya naman ako para sayo. Nalulungkot lang ako ngayon kasi wala ako makausap. Lahat kasi sila busy na e. Nakakahiya naman maging abala. Kung may isang bagay man akong hihilingin sa Ama ngayon siguro yun yung kahit hindi na ako maging maswerte sa lovelife basta may tao parin akong nakakausap pag ganto na nilalamon ako ng lungkot at pag iisa. Natatakot kasi ko hubby e. Kilala mo naman ako. Nangako ako sayo na di ko na uulitin pero ang hina hina ko. Alam mo naman yun. Nagpapakatapang naman ako pero may mga panahon parin na naiisip kong gawin yun.


Mahal na mahal ko kayo ni Princess. Pero bakit iniwan nyo ako? Alam mo ba, bday ni Princess bukas. Sigurado ako kung buhay pa yun, asawa na nun si Kuya Ted. Hahaha. Naghiwalay din kasi sila ni Ate Abi Sara e. Akalain mo yun? Iniyak iyakan ko pa si Kuya Ted nung 2nd year HS tapos magbbreak din pala sila. Badtrip ka naman kasi! Nambubuking ayaw mo lang pala magkajowa ako ng iba. Pag naaalala ko tlgang umiyak ako dahil nalaman niya na crush na crush ko sia gusto kong ilakumos pagmumukha mo sa isa sa mga puno sa ground. Tsk.


Ang dami dami ko pa gusto ikwento pero inaantok na ako. Hahah. Oo, mag12 palang pero antok na ako. Wala e. Wala naman makausap so itulog nalang.


Alam kong mababasa mo to. Dakilang stalker kaya kita. Hahahaha. Wag ka magchachat sakin kahit saan. Ayokong maging marupok! Char lng. Love ko yun si Karlo kahit wala yun time lagi sakin. Next time ko na sia kkwento sayo. Hhe.


Good night My Hubby Monster Bestfriend Sungit Love! 🤍🤎



Comments

Popular posts from this blog

An episode

My Minimalist Wallet and Coin Purse

A Broken Piece