Posts

Showing posts from May, 2022

Depresyon

 For the past 2 days, hindi ko nanaman makontrol ang emosyon ko. Hindi na naman ako okay. Masyado nanaman akong nag iisip, natatakot. Hindi ko alam bakit dumarating ako sa point na tumutulo nalang yung mga luha ko na parang gripo ng wala namang dahilan. Andami ko nanaman kasing time mag isip. Hindi nnaman ako busy sa work. Hays. Akala ko masaya na ulit ako. Malaya, may pera, mas naaalagaan ko na ang sarili ko pero okay ako on the outside, kabaliktaran naman pag usapang mentalidad na. Hindi ko parin magawang magpatawad. Hindi ko parin magawang magmove on. Winasak nila ang pagkatao ko, ang kumpiyansa sa sarili na ilang taon kong binuo. Walang pumupuwang para manatili akong positibo. Mag isa kong dinadala ang lahat dahil ayokong maging pabigat sa kaninuman. Hindi ko alam kung sumpa ba to o totoong may sakit na ako. Habang sinusulat ko to, umiiyak nnaman ako. Ang bigat bigat nnaman ng dibdib ko. Pagod na ako pero alam ko matatapos lang to kapag nakatulog na ako ng diretso. Normal pa ba ako