Susuko na o Lalaban pa sa 'Di ko alam kumg tayo' status

”Kung mahal mo talaga, wag mong iwan ha? Wag na wag. Antayin mo, hanggang sa mapagod ka, hanggang sa kaya mo. "

At napagod nga ako. Tuluyang sinukuan ang pag-asang .. magiging tayo. OFFICIALLY.

Hindi ka mahirap mahalin, sadyang nakakapagod lang. Dumarating talaga ako sa punto na mapapagod, magpapahinga at kinabukasan magpapakatanga nanamang muli sayo. Yung magagalit ako pero isang ngiti mo lang at tukso okay na ulit. Nakakaewan pero anong magagawa ko? Mahal kita e.

Dalawang taon tayong ganito, in between ng magkaibigan at magka-ibigan. Tayo ba? Oo? Hindi? Ewan? O ako lang talaga tong nag-iisip na may tayo kahit wala naman talaga?

Sabi nila TAYO. Sabi ko EWAN. So sa choices na binigay ko, iisa na lang ang natitira. HINDI baa ng sagot mo? Kasi kung Oo, ano pala to? Ano pala yung mga tinginan, mga hawakan, lambingan, asaran at tawanan? Wala lang ba sayo to? Nakakabobo e.

Pagod na ako SM. Sana maintindihan mo kung isang araw magbago ako at malaman mong hindi na ikaw ang lalaking gusto ko.

Comments

Popular posts from this blog

An episode

My Minimalist Wallet and Coin Purse

Body Shaming