Pagod ..

Ang lungkot naman.

Pagod narin naman kaming lahat pero wala kang choice kundi lumaban. I'm doing my best,really. But I felt like ito nlng ako. Hanggang ganito nalang siguro ako. These emotions inside me is destroying me. Pagod na akong maging malungkot. Pagod na akong umiyak gabi gabi. Pagod narin akong gumising araw araw at magpatuloy na parang walang nangyari kagabi. 


Pinipilit kong bumangon. Pinipilit kong lumaban. Pinipilit kong maniwala. Pero bakit ang hirap? Bakit di ko magawang maging masaya? Ano bang naging kasalanan ko para pagdaanan ko to?! Grabe naman po Amang pagsubok to,parang di na natatapos? Lahat na nawawala. Ni wala akong maiyakan,masabihan kasi wala rin naman makakaintindi.


Ama, naging mabuting hinirang naman po ako. Sinunod ko lahat ng utos nyo. Sumusunod din ako sa magulang ko. Pero bakit ganun po? Bakit parang ang hirap hirap maging masaya?


Ang tagal kong inipon yung lakas ng loob at kumpiyansa sa sarili para lang makarating ako sa kung anong estado ng buhay meron ako. Pero biglang unti unting nawawala lahat. Parang sobrang labo na ng lahat.

Comments

Popular posts from this blog

My Minimalist Wallet and Coin Purse

Road To The Title

Pseudo-Relationship