The Wrong Decisions I made

 I never told anyone about this ...


But I wasn't regularized at my first job because I choose to go to my boyfriend's recognition rights without the approval of my supervisor and manager.


Now that I was thinking about it,ang boba ko pala! To be so inlove and sacrifice my career for someone na hindi naman ako pinapahalagahan.


Not that I am expecting, but now that it has been 7 months since we last talked, andami kong narealize.


Masyado kong ginawang mundo ang dapat ay tao lang. Nung una hindi ko naman talaga mahal e. Siya lang yung nagpursue kaya pinanindigan ko nadin. Pero ibang level pala ako magmahal. Handang ibigay lahat kahit kinabukasan ko na.


Masaya na ako ngayon.

In just 7 months nahanap ko yung taong gusto kong maging ako. Sabi nga ng kapatid ko, "You are doing so well right now."

Yes, may sense of fulfillment na ako ngayon. Mas nagglow and naggrow as a person. Mas kaya ko na eexpress yung sarili ko. Hindi na ako takot maging ako kasi may mga totoong nagmamahal na sakin ngayon.


Narealize ko din na andami palang nagkakagusto talaga sakin .. tipong proposals na pinag uusapan agad. Tapos napapaisip ako, "Bakit nga ba ako nagsstay sa isang taong ni bare minimum hindi kayang ibigay?"


Pero wala pang closure. Kaya bilang isang matinong babae, mag aantay ako. Pero hindi ko mapapangakong papayag akong matake advantage pa ulit. Na papayag akong magsettle for less.


People are already showing me the kind of love that I deserve. Love language ko na ata talaga kasi yung Quality Time kasi napakaclingy kong tao. Takot lang akong maattach talaga kasi baka mawala.


Ayern lang. Napakwento kasi lunch break tapos Post Valentines pa. Oks lang walang flowers, may tagabigay naman ng chocolates, kasama lagi magkape at clingy workmates. Sa ngayon kontento ako sa kung anong meron ako.


Mapapangasawa nalang talaga ang wala.


Handa naman na ako e. Gusto ko nadin magkababy. Pero hindi kasi deserve ng sinuman ang maging kabet lang. So pepermi ako. Mag aantay. Tapos pagmay closure na, malay natin kasalan na agad. Char! Alodia and Chris lang? Sobrang nainspire talaga kasi ko sa kanila.


Wala nga raw sa tagal ng relasyon, kung siya, siya na talaga.


Dalawang proposals na natatanggap ko since last year. Pero itong latest, iba yung epekto sakin. Ayokong lumandi dahil committed pa ako. May tali pa. Pero I'll give a chance to both.


Kung bumawi si current jowa after ng training niya, we'll see if I were the same Shiela around him. Pero kung hindi, tapusin na. Masyado ko ng kinakawawa sarili ko sa pagiging pabaya niya at confident na magsstay ako.


Mahal ko na sarili ko para gumawa ulit ng mga pagsisisihan ko ulit sa huli kagaya ng pagpili ko sakanya kesa sa karera ko na sana sa SM. Siguro Supervisor na ako ngayon ng Daet branch kung nagstay ako? Hays.

Comments

Popular posts from this blog

My Minimalist Wallet and Coin Purse

Road To The Title

Pseudo-Relationship