Breaking Down
Playing: You're Losing Me by Taylor Swift
Found myself crying in the middle of the night.. again.
For days or month, I've been saying I am okay.
Pero darating pala talaga yung tinatawag na relapse . Everyday ko parin chinecheck kung nagmessage ka pero wala. I guess sa everyday nayun umaasa parin ako sa explanation..kung bakit, paano o sino. Pero mas okay narin siguro yun para di na ako masaktan pa lalo. Baka dumating nnaman ako sa puntong sisisihin ko sarili ko kahit hindi naman ako yung nagcheat.Ayoko nadin kwestiyunin pa yung worth ko as a woman dahil alam kong naging matino akong babae .. at hanggang ngayon alam kong sakanya ko lang ibinigay ang lahat dahil mahal ko siya.
Entering my 2nd month of healing ..
Relapses are real.
Nanghihinayang parin pero nagpapasalamat narin kasi nailayo ako sa manloloko.
Pero mahal ko nadin kasi pamilya niya.
Heto nnaman ako sa awkward stage nayun.
Kagaya ng pagmamahal sakin ng pamilya ni Sungit, ni Sam, ngayon hirap nnaman ako magsabi sakanila.
Pero mukhang kailangan na. Para sa ikakapanatag ko.
Nabura ko na lahat ng mga alala.
Naitapon na ang mga gamit.
Lahat ng magpapaalala wala na.
Pero everyday there is SOMEONE na magreremind parin sayo ng about sakanya.
Earlier today, nabuking kong may jowa na pala ang isa sa mga manliligaw ko. Of all the three, siya sana pinakapromising kong mapapakasalan ng agad agad. Pero buti nalang tlga may pagkaimbestigador ako. Although nakilala na sia ng ibang workmates-friends ko. Buti nalang tlga nalaman ko bago pa kami muling magkita. Hindi ko tlga maintindihan paano nila nagagawang manloko after all the sacrifices a girl could do for them.
Totoong nagbabago ang lalaki pagmatagal na kayo.
Nakakalimutan yung taong naandyan nung mga panahong kailangan ka, malungkot.
Binuo ko nnaman yung tao para sa iba.
Ganun nalang ba role ko lagi sa buhay?
Hindi ko kayang pagbigyan pa yung isa. Although we both know we like each other. Sa kanilang tatlo naman siya pinakabet ko, pero ALAM ko, delikado. Pareho kaming nagheheal pa sa ngayon. Ayoko din naman ng rebound. Kung kami, kami talaga.
Ilaban na natin to Ash.
Okay lang umiyak paminsan minsan.
Di din naman kasi biro yung almost 6yrs.
Pero yung 3yrs nga nalampasan mo e, ito pa kaya?
Yung susunod ko tlgang jowa aasawahin ko na agad. HAHAHA. ang hirap mag invest sa relationship ng ilang taon tapos mawawala lang din.
Anyways, makapaghanap nalang ng AFAM sa Palawan mamaya. HAHAHA.
Comments
Post a Comment