WAG NA

 Ayoko na.


Ayoko na mag overthink.

Ayoko na umiyak gabi-gabi.

Ayoko na makitang naaawa sa sarili dahil sa pagsesettle for less.

Ayoko na muling mapunta sa sitwasyon na hindi alam ang sagot sa tanong na "kamusta kayo?"


Ayoko na.

Nagsawa na ako.

Ayoko na sa relasyong kahit bare minimum hindi maibigay.

Ayoko na magpanggap na okay ang lahat kahit ang totoo ay pinapabayaan na ako.


Ayoko na.

Tama na ang pagpapakatanga.

Ayoko na muling hilingin ka pa sa Ama

dahil ang totoong pagmamahal hindi nakakalimot, hindi tumatalikod, tapat at mapag aruga.

Mahinahon, hindi masakit sa ulo.


Pagod na ako.

Pagod na akong magtiis at maghintay na balang araw aayon din saatin ang panahon.


Pasensya na kung napagod ako.

Pero mas alam ko na kasi ang worth ko ngayon.


I deserve someone who is consistent kahit nakuha niya na ako.

I deserve someone who will give me assurance everytime na mg ooverthink ako hindi yung sasabihin lang sakin na "bahala kana. Hindi ako maghahabol."

I deserve someone who will listen to me, always.

I deserve flowers too every special occasion, hindi yung pagmay away lang nagiging sweet.


Nakakatawa.

Ngayon na sinusulat ko to,

mas lalo kong naiisip na ang tagal kong nagsettle for less.

Ang tagal kong hinayaan ang sarili ko na tratuhin ng mali.

Ang daming nakapila, willing na ibigay sakin ang mundo pero heto ako nagpakatanga.


Walang pagsisisisi.

Masyado ko ng ibinaba ang standard ko para sa taong to. Masyado ko ng ibinigay ang lahat maging ang dignidad ko. Masyado ko ng kinalimutan ang sarili kong halaga para lang magstay ka.


Pero darating pala tlga ako sa puntong ubos na ubos na kaya nung sinabi mong hiwalayan nalang kita? Wala na akong nadama.


Yung totoo, pakiramdam ko isa akong ibong nakawala sa hawla na noon paman ay nakabukas na. Ayoko lang lumipad palabas. Mas pinili kong magstay kesa humanap ng kaparehang totoong magmamahal at mag aaruga sakin.


Ayoko na.

Tama na.

Pagod na ako.


Salamat sa Ama,

sa paraang inilayo niya ako sa mas malala pang sitwasyon.


Salamat sa Ama,

ngayon nakahanda akong magmahal muli na alam kong sa tamang tao na, sa taong alam na kung paano ako dapat mahalin, sa taong kaya akong pahalagahan at alagaan at sa taong makakasama ko na sa buhay.

Comments

Popular posts from this blog

My Minimalist Wallet and Coin Purse

Road To The Title

Pseudo-Relationship