Hanggang kelan
Lately naiisip kong itigil nalang lahat at magsimula ng panibagong yugto ng buhay.
Nagawa ko naman na magsimula ulit e. Nagawa ko ng paunti unti. Siguro tama na yung "Hihintayin ko nalang na mapagod na ako tapos kusa nalang sia bumitaw." Pero alam ko kasi na hindi ako mapapagod. Kagaya ng hindi naman ako napagod mahalin si Rhenzo noon e, nasanay nalang ako na wala na siya hanggang totoong wala ng natirang pagmamahal ako para sakanya.
Hindi ko kasi alam e. Wala akong ideya. Walang plano. Walang pinatutunguhan ang lahat. Lagi nalang akong naiinggit, naiinsecure, naaawa sa sarili kasi maraming bagay ang hindi ko maramdaman, ang hindi namin magawa ng magkasama. Lagi nalang akong nagkukunwaring "Okay naman ako. Masaya naman kami. Sanay na ako." pero ang totoo ..hinding hindi ata ako masasanay. Hindi ako sanay ng wala sia. Hindi ako sanay ng hindi sia ng uupdate. Hindi ako sanay na wala siyang paramdam. Hindi ako sanay pero kinakaya ko kasi nga wala naman ako choice diba? Kundi tanggapin ang sitwasyon. Marahil masaya na sia doon. Marahil kontento na sia sa buhay doon.. na wala ako. Ang sakit! Ang sakit lang kasi sa lahat ng bagay laging kasama siya sa mga plano ko. Ultimo paglilipat ng bahay at pagbili ng gamit iniisip ko siya, kami pero hindi ko maramdaman sakanya na parte pa ako ng kinabukasan niya. Ang sakit lang sobra na gabi gabing umiiyak at nag ooverthink ka mag isa pero wala kang mapagsabihan. Ni hindi niya nga pinapansin ang mga chat ko. Ni hindi man lang makamusta kung okay paba ako, kung kumain ba ako, kung sino kasama ko, kung masama ba pakiramdam ko. Parang wala din naman akong jowa. Kulang nalang magmakaawa ako sa atensyon. Mamalimos ng konting oras. Naiintindihan ko naman diba? Hindi naman ako clingy sakanya. Hindi din naman ako demanding. Pero sana effort man lang mapakita niya. Ni minsan ba nag effort sia na makasama ako? Kung hindi pa ako ang dumayo, wala. Kung hindi siya umuwi, wala. Umuwi man madami parin akong kaagaw sa atensyon niya. Nasakin lang naman buong atensyon nia pagnagmamake out kami.
"Do not settle for less."
But I do. Kung hindi ako ang tumawag wala. Kung hindi ako manghingi wala. Hindi man lang magkusang magbigay. Paminsan minsa gusto rin namin iniispoil kami ng jowa namin nu. LDR na nga lahat pa ng Love Language absent. Pano nalang yun? Ayoko magbilang ng mga pagkukulang niya pero napapaisip narin ako kung ito nalang ba tlga ang deserve ko? Dahil ba naging malupit ako sa hiwalayan namin ni Sungit kaya pinaparusahan ako ng Ama. Gusto ko ng magkababy boy pero paano? Sana pala tinanggap ko nalang si baby jiro noon, edi sana may baby boy na ako ngayon.
Baka kelangan ko ng ipagpanata to. Pagod na ang puso at isip kong umunawa. Kung hindi pa panahon para saaming dalawa kagaya nung panahon na pinaghiwalay kami ni Sungit, ama sana kayanin ko po ulit bumangon.Sana kayanin ko po ulit magmahal pa. Pero Ama kung siya na tlga po ang laan mo, baka pwede po pakipalala saknaya na may mga responsibilidad din po sia sakin bilang nobya niya. Kung wala siyang balak para sa kinabukasan naming dalawa o kung hindi na po ako kasama pa doom, please lang pakisabi na wag na patagalin pa to kasi sobrang sakit na.
Comments
Post a Comment