PANGARAP
Nasa punto ako ngayon ng buhay ko na hindi ko na alam ang gagawin..
I am lost again in my train of thoughts. I am actually reading .. pero lumilipad ang utak ko. Siguro kasi naHIT nnaman yung soft spot ko.. yung pamilya ko.
Nasaktan nnaman ako ng sarili kong pamilya. 💔
Hindi ko rin alam e kung bakit sa dinami dami ng pananakit nila hindi parin ako namamanhid. Ilang araw ko nnaman kaya to didibdibin? Hanggang kelan ko kelangan patunayan ang sarili ko? Hanggang kelan nila ako ippressure na ibigay ang mga bagay na hindi ko kaya ibigay? Pagod na ako. Kinakaya ko lang. Kasi sa isip ko "Malapit naman na matapos. Konti nalang. Konti nalang .. ako naman." Pero hindi e. Parang di nauubos. Parang laging may kulang. Parang gusto ko nalang maglaho.
Sobrang pressured ko. Di ko alam kung bakit di nila nakikita yun. Napapagod din naman ako. Pero wala akong choice e. May pangarap ako para sa sarili ko. Pangarap ko ring maibangon ang sarili ko.
Gusto ko rin makatravel.
Gusto ko rin magkaroon ng sariling bahay at sasakyan.
Gusto ko rin magpunta sa syudad at mamuhay na parang normal. Yung di ko iisipin kung papagalitan ba ako pag uwi ko or kung may pera pa kaya ako pangluho?
Gusto ko ring sundin yung kurso na gusto ko.
Gusto ko rin magreview at maging CPA.
ANG DAMI KONG GUSTO. PERO PAANO?
Kung kulang na kulang pa ang resources ko. May magandang trabaho, side hustle at businesses naman pero hindi ko maramdaman asan yung kita ko? Sa pagkain sa labas na halos laging libre? Sa mga bigay ng ibang tao? Paano naman yung mga gusto ko?
Lagi nalang akong nappressure magbigay. Pero laging kulang parin. Laging si ganto mas mataas naibibigay. E yun may katuwang sa pagbibigay, may suporta. Ako ba meron? Wala naman diba? Ako lang to lahat? 🥺 Ako lang mag isa. Pagod na ako pero kelangan kong gumising at kumayod para sa pamilya kong hindi man lng naaappreciate mga efforts ko.
Pero hayaan na. Masasaktan at masasaktan nila ako pero simula ng pumasok ako sa trabaho na to ipinangako kong ibibigay ko kung ano ang maluwag sa damdamin ko. Kahit andaming parinig .. sige saktan nyo lang ako,tatanggpin ko. Pero hinding hindi na ako magbibigay ng halos wala ng matira sakin. Oras na para maglaan naman ako ng para saakin,para sa future ko. Magrereview ako. Magiging CPA ako. Makakaalis din ako sa lugar na to. Magiging malaya din ako na gawin ang mga gusto ko. Magpapakaselfish, mayabang, kuripot at walang utang na loob muna ako. Kahit pagod ako, lalaban ako.
Hindi ko deserve ang buhay na alipin ng salapi dahil sa mga taong hindi naman deserve ang buhay na marangya at matiwasay. Magbanat din naman sila ng buto hindi yung puro hingi at parinig.
Kung luluubin ng Dios,
Gusto kong manirahan sa malayong lugar. Yung walang makakakilala sakin dahil ako'y estranghero.
Gusto kong mamuhay bilang isang taong bago.
Comments
Post a Comment