NAMISS KO LANG MAGSULAT ..

 


This year is nearly ending .. and I had to admit,this one broke me. Nakakamiss din pala magsulat ulit. Haha.

It has been months of me being lost, bewildered, spiritually and emotionally unstable. I am not able to be active as months before. I wasn't selling, I wasn't exercising, I wasn't journaling, I wasn't reading, I wasn't biking, I wasn't writing. I am now aware of the things I used to do but not anymore. That is something I should be grateful. I was indenial for months. I am trying to forget and to cope up. I needed to survive. I promised I wasn't the same person I used to be a year ago. I wouldn't commit to making a mistake again of stopping my life, of trying to escape the reality. Oo, masakit. Oo, naapektuhan parin ako paminsan minsan pero madalas alam kong kaya ko na.

Only few knows because I don't want people who look up to me feel sad or be down too. Ate nila ako. Kelangan kong maging malakas, matibay at role model sa kanila pero tao parin kasi ako. At nagpapasalamat ako sa mga taong nakakaintindi kahit minsan masyado ng mataas ang wall ko sa paligid.

Hindi ko alam kung alin sa mga to ang sinarili ko lang pero madalas ko maisip na hindi ko deserve ang mawasak ng ganto. Sinasabi nila na magpakumbaba ako, pero paano ko sasabihing "NGAYON LANG AKO NAGSALITA PERO BAKIT ANG SAMA-SAMA KO NA?"

Ilang beses kong mas piniling manahimik kesa magsalita. At pinagsisihan ko yun. Ilang beses kong pinili ang magbulag-bulagan para hindi magbago ang tingin ng tao saakin pero nakakapagod pala yun. Nakakaubos!

Kaya ngayon mas pinili ko na sarili ko. Okay na ako kahit ako nalang masaktan. Okay na ako kahit mag isa nalang ako parati. Okay na ako kahit alam ko sa sarili ko na napagkaisahan ako, natraydor ako. Hindi naman kasi ako importante pala sa kanila in the very first place. Pinili ko lang iposisyon ang sarili ko sa buhay nila bilang isang importanteng tao pero hindi naman pala.

Unang una na ang pamilya ko. Sa ilang taon kong pagttrabaho, laging nasa isip ko ang mapagtapos ang kapatid ko at magpahinga na si Mama sa pagttrabaho dahil Single Mom sia. Itinaguyod nia kami ng kapatid ko mag isa. Deserve nia ang iispoil. Pero lahat ng bilhin ko,lahat ng ibigay ko hindi naging sapat. Laging may kulang, laging may puna. Yung mga bagay na dapat ay ipinagpapasalamat,naging YABANG sa paningin nila. Puyat,hirap at pangungutya ang dinamdam ko maibigay lang ang pangangailangan pero kailanman ay hindi naging sapat. Walang sapat sa mga taong walang alam kundi ang "gatasan" ka lang. Walang sapat sa mga taong walang alam kundi ang magreklamo at humingi. Nakakasakit man ng damdamin pero yun ang totoo. Nagpapaalipin ako sa trabaho para lang bastusin, kutyain at idown ng sarili kong pamilya. Una palang broken family na kami. Niliteral naman nila masyado.

Pangalawa, nawalan ako ng gana sa paglilingkod sa Iglesia. Mahal na mahal ko ang Ama. Mahal na mahal ko ang pagkaINC ko. Mahal ko ang tungkulin ko. Pero hindi ko mawari na ang noo'y chismis tungkol sa pamamahala ay totoo pala. Unang una pa ako nagtatanggol sa kanila sa mga kumakaaway pero totoo pala. Kung hindi pa ako ang nakaranas, hindi ko pa mapapatunayan na mali ako ng kinakampihan. Pero kung malalaman nila to sasabihin nila ako rin ma'y kaaway na. Ako rin ma'y naging dyablo na. Kaya mananahimik na lamang ngunit hinding hindi makakalimot. Mahal ko ang Iglesia pero hindi nila deserve ang oras, lakas at salapi ko. Sa Diyos lamang ako maglilingkod ng tapat at totoo. Hindi ko na kelangan pa magpagamit. Pagod na ako pagtakpan ang mga mali nila. Nagpagamit ako sa mali, nagpagamit ako upang malinis ang mga mali nila. Hindi ko matanggap na pumayag ako.

Ikatlo, hindi ko na ipipilit pa ang sarili ko sa mga taong  hindi masaya na makita akong nagtatagumpay. "Stop playing small to make people comfortable." Alam ko sa sarili ko kung anong kakayahan ko. Ang dami kong ginugol na panahon, pagod at sakripisyo para lang marating to. Hindi lahat deserve ang energy mo at oras mo.

Ikaapat at panghuli, pipiliin ko ng muli ang sarili ko. Lagi kong sinasabi na "Don't settle for less." but I do. I tolerate people kaya ganun nila ako itrato. I know my worth as a woman. I know what I deserve. Tama na ang excuses. Tama na ang pagiging sobrang understanding na partner. Sabi nga nila hindi mo kelangan diktahan yan, alam niyan paano ka tatratuhin ng tama, hindi niya lang ginagawa or ayaw niya lang talaga. I tried my best to communicate my love language, my wants pero mukhang hindi kasi ako yung babaeng deserve ang ganung klaseng pagmamahal mula sa kanya. Siguro papagurin ko nalang ang sarili ko hanggang sa makatagpo ng taong hindi ko kelangan magmakaawa para lang mahalin the way I wanted to be loved. Ayoko na maging marupok. Ayoko na magbulag bulagan, ayoko na maghintay. Pagod na akong maghintay at umintindi. Sarili ko muna. Aayusin ko lang muna sarili ko. Hindi na ako aasa pa. Anuman ang mangyari ngayon sa lovelife ko, bahala kana Lord. Gabi gabi nalang akong umiiyak at nasasaktan mag isa. Ni walang kumakamusta, ni hindi ko maramdaman ang pagmamahal at pagkalinga. Routinary nalang ang batian. Hindi na ako masaya. Hindi na.

Alam ko may dahilan ang lahat ng to. Naniniwala ako. Ang dami ko ng nalampasan na problema na ako lang .. walang karamay, walang nakikinig, walang umiintindi. Someday masasabi ko rin sa sarili ko na everything is worth the pain.☺️


Comments

Popular posts from this blog

My Minimalist Wallet and Coin Purse

Road To The Title

Pseudo-Relationship