The Taken For Granted Girlfriend

 As I was reading latest post of Donnalyn B., at the last part sinabi niya dun na siya raw yung type of girl na always taken for granted.


I AM THAT WOMAN TOO.


Naalala ko pa nung unang beses na sinabi sakin yan ng fetus days bff kong si Sarah. She asked me before who am I seeing(dating) and when I said "Si ano padin!". Wow gurl always taken for granted?! Yan lng nasabi niya. Hahahaha. Maybe she was right all along kasi totoo naman.


In every man na dumating sa buhay ko ako lagi yung trophy type.. proud ipakilala sa mga kaibigan, kamag anak at kapamilya.Yung di ko pa nga sinasagot may mga pagifts na from parents and all. Ako rin yung tipong pang long term gf ganern. Haha. Meron nga jan kakasagot ko palang kasal na agad topic namin e.


I was engaged twice.

Yung isa kay Hubby. Kaso hubby na siya ng iba ngayon. Pero kebs lng alam ko naman mahal na mahal ako nun. Pero NO na tlga. Masamang mainlove sa guy bestfriend. Nawalan ako ng confidant .. ng taong kahit di ako magsalita kilalang kilala na ako. Saviour ko sa mga kahihiyan at kabonding sa lahat ng bagay. Nakakamiss pero di na pwede ibalik yung dati nung di pa kami. May boundaries and limits na kasi. Pareho pa kami committed na.


Yung isa naman jusko, ito realtalk yung kasalan. May petsa na! Pero sabi nga hindi itutulot ng Ama kung hindi nararapat. Hindi siya nararapat sa banal na ministerio at maybe ako rin. Nakikita ako ng Ama na nasa ibang gawain at pamumuhay hindi bilang maybahay ng isang saserdote.


Hays. Dati iniiyakan ko pa tong mga kwentong to pero ngayon normal nalang.


Balik tayo sa Taken For Granted.


Siguro nga yun yung the best definition ng pagkatao ko. Siguro kaya din nagtagal yung relasyon ko kay Sungit at Kapatid kasi hinahayaan ko sila na iTake For Granted ako.


When sungit said "Wala ka ng mahahanap pang lalaking magmamahal sayo na gaya ng pagmamahal ko." 


I take it to heart. Na dahilan ko dati kung bakit di ako makabangon. Na dahilan kung bakit takot ako magmahal ulit. Kasi iba yung standard ng pag aalaga at pagmamahal na nabigay niya. I never felt alone in my 3 & half years relationship with him. He was my home. He sees me through my soul.


Why am I saying this!?

Kasi feeling ko andun nnaman ako sa sitwasyon na walang kwenta! Na tinitake for granted nnaman ako pero hinahayaan ko. Pero pagod nadin kasi ako. Sguro nga I am settling for less than what I deserve pero pagod nadin ako. Kung mawawala ulit pwede bang wag na lang may dumating ulit? Hahaha. Kasi nakakapagod yung mag invest ng panahon at pagmamahal ng ilang taon sa maling tao. Ayokong sukuan pero mahina lang ako. Marupok din kaya alam na alam niyang madali lng din akong suyuin. Pagod na ako sa lahat ng aspeto ng buhay ko ngayon. Ayoko ng dumagdag pa ang love life sa mga isipin ko sa buhay.


So bahala kana Lord.

Kung ano pong pasya mo, sige napo. Yun nalang.

Tutal nawala nadin naman tiwala ko sa pagmamahal. Hanggang dun lng naman kasi tlga yata purpose ko sa mga lalaking dumaraan sa buhay ko. Pangdisplay.

Comments

Popular posts from this blog

My Minimalist Wallet and Coin Purse

Road To The Title

Pseudo-Relationship