Break Up
Naiinis ako. Bakit may mga lalaking ganto? Mga feeling pavictim. Yung ibabalik sa babae ang sisi once na makipaghiwalay na. Bakit? Feeling nyo ba andali dali lang para sa mga babae ang bumitaw? NO. Ilang gabing umiiyak yan, nag ooverthink kung itutuloy paba or bibitaw na, ilang chances muna binigay nyan sayo para bumawi ka, patunayan sarili mo na mali iniisip nya bago sia tuluyang bumitaw. Napagod na yan. Pinagod mo kaya wala na siyang ibang choice kundi iwan ka.
Mahaba habang katangahan pa muna bago tuluyang bumitaw. Umaasang magbabago kapa. Napakatoxic na tao! Makasarili. Inuuto mo nalang ang babae kapag ibalik mo pa sakanya ang sisi sa mga pagkukulang mo sakanya.
I always believe in "Do your best effort during the relationship because once it ended, you can never turn back time." That's the thing I mostly regret before kasi natakot ako e. Natakot akong ipakitang mahal na mahal ko yung tao kaya nung nawala andami kong regrets. Sana pala pumayag na ako sa mga bagay na alam kong magiging masaya naman kaming dalawa. Sana pala sinulit ko yung time na magkasama pa kami. Sana pala tinreasure ko lahat ng love letters, text messages and chat, nirecord ko lahat ng calls, tinago ko yung mga gifts at sana dinamihan pa namin yung pictures together. Sa sobrang takot ko sa parents namin at majudge ng mga tao ipinagkait ko sa sarili ko ang maging maligaya sa piling ng mahal ko.
Kaya lesson learned na yun. Atleast ngayon, hindi man maging hanggang dulo alam ko sa sarili ko na ibinigay ko ang nararapat na pagmamahal ko sa tao. Dumating man yung panahon na mapagod nadin ako at tuluyan ng bumitaw, hindi ako nagkulang. Binigay ko yung panahon, atensyon, kalinga at pagmamahal. Sana .. sana hindi tinitake for granted ng mga lalaki yung jowa nila. Kasi ang hirap hirap makita ang kaibigan mo na sinisisi pa sarili niya kung yung lalaki naman ang masyado ng kampante sa pagdadala ng relasyon.
Masyadong kampante na hindi na iiwan.Masyadong kampante na wala ng hahanapin pang iba. Masyadong kampante na hindi na magigising sa katotohanan na siya nalang ang nagdadala ng relasyon. Siya nalang yung naggogrow. Ang mga babae, hindi yan basta isang beses lang napapagod. Nagpapahinga lang yan saglit tapos laban ulit. Pero nauubos yan. At once maubos yan, sorry nalang. Wala ng balikan.
Comments
Post a Comment