Pangarap
Ang dami-dami kong gustong gawin ngunit napakaikli na lang ng panahon. Nariyang hindi lang sarili ko ang kelangan kong isipin kundi ang mga taong nakasandal saakin pagdating ng panahon na ako'y marunong ng maghanapbuhay. Ayoko magpalamon sa bugso ng sanlibutan. Gusto ko lang ng balanseng pamumuhay. Yung nagagawang gumising para magtrabaho, maglingkod sa Panginoong Diyos at magkaroon ng panahon para sa sarili kong pamilya ng hindi isinasantabi ang aking tungkulin bilang breadwinner sa aming pamilya.
Ang hirap isipin.
Gustuhin ko mang buuin at makamit ang mga nasa isipan ko'y pagiging makasarili ang kahahantungan.
Ang hirap.
Ang hirap lalo pa't ngayon pa lang alam ko ng hindi sapat ang panahon para iukol sa sarili ko at sa pamilya ko. Maghahangad pa ba akong bumuo ng sarili kong pamilya? Gayo'y ako lamang at ang aking pamilya ay napakabigat na.
Wala pa.
Pero ramdam ko na.
Hanggang saan nga ba ang limitasyon ng pagiging BREADWINNER?
Pagnakapagpatapos na ng kapatid? Gayo'y tumatanda na ang aking ina sa paghahanapuhay para saamin?Kelangan niya rin mgpahinga! At sa pamamahinga niya'y panibagong gampanin ng anak ang pag-aaruga sa magulang.
Ayokong isiping isang 'pabigat' ngunit sa kulturang nakasanayan ay iyon ang nangyayari.
Comments
Post a Comment