Pighati at Dalangin
Medyo seryoso ang blog post na to. Just to inform you.
"Hindi lahat ng tao magugustuhan ka. Matuto kang tanggapin yun. Isinilang ka sa mundong ito para maging mabuti at paglingkuran ang Panginoon mong Diyos hindi para maging mabuti sa paningin ng iba sa paraang nakakalimutan mo na kung sino ka."
Sa totoo lang, hindi ko alam kung paano ko sisimulan ang entry na to. Ang tanging malinaw lang sa akin ay "Nalulungkot ako at napipighati." Ipinapanalangin na lamang sa Ama lahat ng hindi ko kayang isaad gamit ang mga salita. Alam niya na iyon. Alam kong batid niya ang laman ng aking puso. Ayokong manisi. Ayokong mabuhay muli sa poot at galit. Hindi na ako yun. Kinalimutan ko na ang yugto ng buhay ko kung saan ay puno ng kalungkutan at galit. Subalit tao parin naman ako. Nakakaramdam pa rin.
Nakakalungkot lang na may mga taong kahit wala ka namang masamang intensyon ay pilit na pinapalabas na masama ka o may pansarili kang interes. Hindi lahat ng sinasabi ko ay para magcritize o manakit ng damdamin. Nagpapakatotoo lang ako.
Mayroon namang iba na halos lahat na lamang ng galaw mo ay nakakapagpainit ng ulo niya. Animoy ipinanganak ka upang sirain ang araw niya. Nasa akin nga ba ang problema o ikaw itong may problema sa sarili mo at ako ang nakikita mong mapagbubuntungan ng mga di magandang bagay na nangyayari sa buhay mo?
Nais kong magkaroon ng kapayapaan sa sarili. Kapayapaan ng kaluluwa at pag-iisip. Ngunit pagsubok ay patuloy na dumarating. Sinusukat ang pisi ng aking pagtitimpi upang wag patulan.
Madalas mainggit sa isang kasamahan kasi nakikita kong minamahal siya at nagugustuhan ngunit agad ring winawaksi sa aking sistema sapagkat alam kong masama ang gayung kaisipan.
Isang malaking pagsubok sa tulad kong hindi komportable sa pakikisalamuha ang mapasama sa mahigit dalawampung tao. Ngunit para sa ikauunlad ng sarili kaya't nakikisama.
Alam kong iba ako.
Madalas ay hindi nauunawaan. Ngunit patuloy na lumalaban.
May Ama ako. Yun na lamang ang pinanghahawakan ko. Kapayapaan ay aking nakakamtan sa tuwing ako'y nasa tahanan niya at nananalangin sakanya. Nakakatuwa lang na sa tuwing may dinadala akong mabigat sa dibdib agad ay may payo siya. Sa pamamagitan ng mga salita niyang nakasulat sa biblia, agad akong nagkakaroon ng pag-asa at nabibigyan ng ibayong lakas upang ipagpatuloy pa ang laban ng buhay. Alam ko at ramdam ko kasing kasama ko siya sa pagdadala ng bigat ng buhay. Mapalad din ako na sa kabila ng mga tao sa paligid ko na nagdadala ng kalungkutan at sakit sa akin, nakakakilala naman ako ng mga taong ang tatag ng paniniwala sa magagawa ko at hinahangaan ako sa pagiging ako. Nakakatuwa lang na nakakapagbigay din ako ng inspirasyon sa kanila.
Ito lang ang pinanghahawakan ko.
Patuloy man akong usigin, patuloy parin akong maglilingkod. Patuloy man akong husgahan ng mga tao sa paligid ko, ang pasya lamang ng Ama kong pinaglilingkuran ang tatanggapin ko. Patuloy mang dumanting ang mga panghihina, mananalig akong palalakasin niya ako. Mamamalas niya ang mga luha ko, ang paghikbi kasabay ng panalangin ngunit lalabas ako ng kapilya ng may panibagong lakas.
Patuloy akong lalaban sa buhay.
Ang kalungkutan at pighati ay pansamantala lamang. Sa piling na Ama, akong hinirang niya ay patuloy na mananalig at susunod. Ipaglalaban ko ang paglilingkod ko sakanya.

Comments
Post a Comment