Nakakapagod Na
Minsan yung taong akala mo masaya at buo ay siya palang malungkot at wasak ang pagkatao. Malakas ako. Yan ang paniniwala ko. Kailangan e. Mag-isa lang ako. Kailangan kong maging matapang para sa sarili ko. Kailangan kong maging malakas para hindi ako tuluyang bumagsak. Kailangan kong matutong bumangon ng mag-isa upang hindi apak-apakan at pagtawanan ng iba. Matapang ako, Oo. Pero may hangganan din ang kakayahan ko. May hangganan din ang pasensya ko. May emosyon din ako. Tao din ako. Alam ko, alam ko hindi ako perpekto. Kailanman ay hindi magiging at ayoko dahil pakiramdam ko hindi ako yun. Masaya naman ako e. Masaya ako sa tuwing nakakatulong ako. Masaya ako kapag nakakapagbigay saya din ako. Masaya ako na nakikita kong masaya ang ibang tao. Masaya ako kapag natatamo nila ang kanilang gusto. Pero minsan naiisip ko, masaya rin ba sila para sa akin? Masaya rin ba sila pagmasaya ako? Masaya rin ba sila pagnagtatagumpay ako? O binubuhay ko lang ang mga damdamin nila upang hangarin na sirain ang pagkatao ko.
Ang selfless ko pala. Akala ko selfish na ako kasi gusto ko lahat ng ginagawa ko tama sa paningin ng Ama at ng tao. Pero nakakalimutan ko pala tanungin ang sarili ko kung masaya nga ba ako sa ginagawa ko o pinapaniwala ko lang ang sarili ko na masaya ako kahit mabigat na ang damdamin ko kasi aware naman ako na "taken for granted" lang ako lagi ng iba.
Nakakapagod pala. Nakakapagod pala magpanggap na okay ka. Kasi naniniwala ako na pagpinaniwala ko ang sarili ko na okay ako yun din ang mangyayari. Niloloko ko lang pala ang sarili ko.
Sa ngayon, tumutulo ang mga luha ko. Gusto ko sana ilabas to kaso "Kanino?" Sa dinami-dami pala ng taong pinagpapayuhan ko, tinutulungan ko, pinaparamdam ko na hindi siya mag-isa na andito lang ako, ni isa wala akong maisip kung sino ang pwede ko makausap sa mga panahong ganito. Ang saklap pala. Ginusto ko na maging masaya sila kaya kinalimutan na nila ako. Ginusto ko ang makakabuti sa kanila kaya ngayon miserable ako.
Ama! Sana po ako naman. Kahit ngayon lang, ako naman ang maging masaya. Pwede po ba? Kasi ang sakit-sakit na po.
Comments
Post a Comment