When I Lost myself

Ilang buwan na mula ng huli akong nagsulat. Sobrang dami na ng nangyari pero pakiramdam ko pare-pareho lang naman. Walang special. Napakaordinary. Usual days kumbaga. Yung gigising ako ng mag-aalas dos ng umaga tapos tatanungin ko ang sarili ko, "tatawag kaya siya?" tapos marerealize ko, WALA NA NGA PALA SIYA. Aww. Nakakabaliw. SOBRA! Kasi gustuhin ko man paniwalain ang sarili ko na tapos na, ang plastik ko kung sasabihin kong hindi na ako umaasa.

Andami na ding nagbago sakin. Una, mahaba na ang buhok ko. Dati-rati naman pagkaalumaabot na sa dibdib ko ay pinapaputol ko na agad. Hindi ako komportable sa mahabang buhok. Mainit. At alam mo yun. Ewan ko ba! Reklamo ako ng reklamo na mainit at mahirap imaintain pero di ko parin magawang ipaputol. Patunay na ang haba na din ng panahon ang ginugugol ko sa pag-iyak gabi-gabi at sa paghihintay ng tamang panahon para tuluyan na talagang maghilom yung sugat sa puso ko.

Ikalawa, nawala na din yung gana kong mangarap. Dati-rati naman wala na akong pakialam kung boring o magaling man magturo ang prof, basta't may libro, ayos na ako ! Magseself study nalang ako. Pero ngayon, ni buksan ang mga libro ko di ko na magawa. Wala na akong ganang mag-aral. Ang gusto ko nalang ay makapagtapos at makapasa sa Board Exam. Iniisip ko nga, may purpose pa ba ang buhay ko? Alam kong mali, maling-mali na dahil lang sa pag-ibig ay nakakalimutan ko na ang responsibilidad kong mag-aral at mga prayoridad sa buhay. Pero anong magagawa ko? Kung buong sistema ko ay nasira kasabay ng pagkawasak ng isang parte ng katawan ko.

Ikatlo, kung dati iniisip ko na ang hirap maging isang "Painhearted Ashlei" sa dami ng aktibidad ko, ngayon parang napakasali nalang. Ano ba ? Gigising ka lang naman ng alas-8 ng umaga, kakain, maglilinis ng bahay, at papasok sa eskwela, pag-uwi, edi matulog. Ganun lang.  Iniisip ko nga, san na kaya napunta yung Ashlei na namumrublema lagi kasi conflict na masyado ang sched dahil pumong-puno at nagkakasabay-sabay na? Asan na kaya yung Ashlei na napakahyper at active ng buhay? Yung feeling ala-wonderwoman sa dami ng ginagawa? Kung may panahon man sa buhay ng tao na tinatawag na "lie-low", eto na ata yun

Ikaapat, social life? Haha. Wag niyo ng hanapin yung Painhearted Ashlei na paggising palang e magpopost na kaagad ng Selfie at babati ng "Good Morning!" qoute sa FB, nakikisabayan sa pagpapatrend sa twitter, stalker sa IG, adik sa Wattpad at minu-minuto kung mag-GM. Ano pa bang ipopost ko sa mga Accounts ko ? Alam ko namang wala ng manglalait, mangongontra, magrereklamo, mangingialam at magchecheck ng mga yun. Wala na din namang magrereact sa mga GM ko dahil alam kong walang may pakialam. Isa pa, iniiwasan ko na rin naman kasi ang magdrama at gawing diary ang mga accounts ko at GM ko at baka mabwisit lang ang mga Friends ko dahil puro post ko nalang ang laman ng Newsfeed nila at laman ng Inbox nila ay puro kadramahan ko lang. OO, BROKENHEARTED AKO pero hindi yun rason para ibroadcast ko sa mundo ang nararamdaman ko minuminuto. Tama na yung isa o dalawa lang ang napagsasabihan ko ng nararamdaman ko at yung nagtyatyaga na magbasa ng mga sulat ko sa blog na to.

Sa lahat ng nangyayari sa akin ngayon, alam kong sarili ko lang din naman ang makakatulong kaya as much as possible, kung kaya ko pa nan ay hindi ko isshare. Pagmabigat na talaga at hindi ko na kaya, THANK YOU sa mga taong handang makinig sa mga kadramahan ko, iniintindi pa rin ako kahit paulit-ulit nalang naman ang nginangawa ko at patuloy na pinaparamdam saakin na may masasandalan ako. Salamat sa mga taong pinapalakas ang loob ko at sa kabila ng lahat ay mas piniling manatili bilang kaibigan kaysa ang husgahan ako.

Alam kong nawala ko ang sarili ko. Nakalimutan ko kung ano ako dati nung sobrang inlove at masaya pa ako na alam kong meron akong siya. Nakakahinayang, OO. Kasi pakiramdam ko e habang abala ako dun sa mga bagay na paraan upang makaahon ako sa pagkakahulog nung binitawan ko siya, nasayang rin yung panahon na sapat ay abala ako upang iangat ang sarili ko para mas maging BETTER pa sa Old version ng sarili ko.

Sana hindi pa huli ang lahat para makabangon ako. Sabi ko nga, hindi naman ako nagmamadali. Kung makalimutan ko man yung feelings ko para sakanya(Sana!) ,edi masaya! Pero kung hindi talaga, okay na din siguro. Atleast once in my life, naramdaman ko ang mahalin at magmahal ng buong-buo.

Comments

Popular posts from this blog

My Minimalist Wallet and Coin Purse

Road To The Title

Pseudo-Relationship